Ang Paggunita Sa Ating Demokrasya

Submitted by: Submitted by

Views: 5700

Words: 823

Pages: 4

Category: Other Topics

Date Submitted: 02/07/2011 02:10 PM

Report This Essay

Ang Paggunita sa ating Demokrasya

Ika- 19 ng Agosto ng tanghali pagkatapos ng aming pag-aaral sa “Calculus”, ang aming grupo ay nagtungo sa ikaapat na palapag ng TRINOMA (Triangle North Of Manila) upang saksihan ang “photo exhibit” na inialay ni Sonny Camarillo sa dating pangulong Maria Corazon Sumulong Cojuangco-Aquino na mas kilala bilang Cory Aquino. Siya ang ika-11 pangulo ng Pilipinas, simbolo ng demokrasya at ang popular na demokratikong hinalal bilang kauna-unahang pangulo na babae. Inihandog itong “photo exhibit” kasunod ng malaking tarpolin (face mosaic) na inilatag sa tapat ng Quirino Grandstand bilang pag-alala sa unang anibersaryo ng kanyang kamatayaan, Agosto 1, 2010.

Dahil sa exhibit na ito nalaman namin ang mga naganap noong Martial law. Nakakakilabot ang mga larawan lalong-lalo na ang larawan ng kamatayan ni Ninoy. Magang-maga ang kanyang katawan at mukha. Kitang-kita ang kalunos-lunos na nangyari sa kaniya. Ayon din sa exhibit, nalaman namin na si Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr. (November 27, 1932 - August 21, 1983) ay isang Pilipinong senador, Gobernador ng Tarlac, at isang lider ng oposisyon laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong idineklara ni Marcos ang Martial Law at inalis ang konstitusyon. Kinuha ni Marcos ang lahat ng kapangyarihan at pinakulong lahat ng kanyang mga kaaway sa politika, kasama na si Ninoy, na nakulong sa loob ng pitong taon, at dineklarang may sala sa krimeng pagpatay, paglaban sa gobyerno, at pagkakaroon ng ilegal na baril. Pinabulaanan lahat ito ni Ninoy at sinabi niya na siya ay inosente. Noong taong 1980, pinayagan siya ng gobyerno na lumabas sa Pilipinas at magpagamot sa Estados Unidos para sa kanyang operasyon sa puso. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sa sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lamang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang...

Related Essays

Epekto Ng Makabagong Teknolohiya Partikular Na Ang Kompyuter Sa Mga Mag-Aaral Sa Ust-Amv-Coa Sa Ikaapat Na Antas Taong 2008-2009
nagkalat ang ibat ibang makabagong teknolohiya sa ating mundong patuloy na umuunlad. Isa sa mga teknolohiyang ito ay ang kompyuter. (ayon sa wikipedia) Ang kompyuter
The Handsomest Drowned Man In The World Meets Ang Pinakamakisig Sa Mga Nalunod Sa Buong Daigdig
this short story, I was in the peak of my expectations that Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod Sa Buong Daigdig would be really much the same and would adapt every
“Ang Pagpanulo Sa Baybayon Sa Poblacion, Carles, Iloilo”: a Contemporary Dance
Ang Pagpanulo sa Baybayon sa Poblacion, Carles, Iloilo: A Contemporary Dance Anntonette B. Barrios Rogelin B. Bereber Marnie Lynn S. Martirez Floyd John C
Wika Ang Bumuo Sa Bansa
Pirates of the Silicon Valley Questions and their corresponding Answers 1. What was the first speech of Steve Jobs? Answer: I dont want you to think of this