Homo Is Where the Heart Is

Submitted by: Submitted by

Views: 1588

Words: 2013

Pages: 9

Category: Literature

Date Submitted: 09/29/2010 10:33 AM

Report This Essay

HOMO IS WHERE THE HEART IS

Ni R T Reinoso

Naniniwala ka bang iilan lamang ang may karapatang magmahal? Napag-isipan ko ito isang araw. Kakatapos lamang ng klase namin sa Relihiyon sa dati kong paaralan at idiniin sa amin ng guro na bawal magmahalan ang dalawang babae o dalawang lalaki. Hindi maalis sa aking isipan yung itsura ng aking katabi habang nasa klase kami. Malungkot siya. Tingin ng tingin sa sahig. Laging tinatakpan ang mukha dahil alam niyang lahat ng mga mata sa kwarto'y nakatingin sa kanya. Lahat ay namimintang. Alam ng lahat na kakaiba siya. May gusto siya sa mga babae. Noong ikaapat na baitang nga kami, ako ang naibigan niya.

Maraming tanong ang lumangoy sa utak ko noong gabing iyon. Bakit siya nahihiya? Bakit siya pinagtatawanan at pinandidirihan? Bakit bawal magmahal ng kapwa babae o lalaki?

Galing ako sa isang Katolikong paaralan, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagiging homosekswal at ang pagtatalik ng dalawang babae o lalaki. Bawal ang landian, at minsan, bawal din ang matagal na yakapan ng dalawang magkaklase. Kapag wala kang ka-date sa Junior prom, sasabihin ng mga guro na homosekswal ka. Ganoon sa paaralan namin. Ganoon kahirap mamuhay para sa kaibigan kong tago. At sa tingin ko, dahil sa ganoong pagtrato ng aking paaralan sa mga homosekswal, lumaki ang pagtataka ko, at ang galit ko sa sistema.

Sa kabutihang palad, naipasa ko ang UPCAT at tuluyan akong pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Dito nabuksan ang isipan ko sa maraming bagay, at kabilang na dito ang pagtanggap ng maraming tao sa relasyong homosekswal. Marami akong nakilalang tao, at isa na rito si Mica. Noong una ko siyang nakilala, agad kong nakitang maarte siya. Maganda, mahilig sa damit at makeup, at madalas nagsusuot ng high heels. Ang daming lalaking nagkakagusto sa kanya, ngunit wala pa siyang naging boyfriend. Laking sorpresa sa akin noong nalaman kong mahilig pala siya sa babae. Tinanong ko nga siya tungkol dito. Sabi niyang alam na niyang homosekwal siya noong unang...