Rizal Movie

Submitted by: Submitted by

Views: 1273

Words: 354

Pages: 2

Category: Literature

Date Submitted: 01/03/2011 02:34 PM

Report This Essay

Paghahanda ng punlaan | | |

Written by Carlo Dacumos    |

Saturday, 05 December 2009 |

Average user rating0.0out of 5Pagkatapos pumili ng tamang punlaan, ihanda ito nang mabuti para mas maganda ang tubo ng mga punla. Una, patubigan ito bago araruhin upang tumubo ang mga buto ng damo at mabulok. Sa tag-ulan, lagyan ng maliit na pilapil ang gilid ng bawat kama upang hindi maanod sa kanal ang mga ipinunlang binhi lalo na kung malakas ang ulan.    Suyurin ng ilang beses ang lupa upang magputik. Gumawa ng 400 metro kuwadradong kamang punlaan para sa isang ektarya. Maaaring gumawa ng 10 kamang may sukat na 2m x 20m o di kaya’y 20 kamang may sukat na 1m x 20m. Sa tag-ulan, lagyan ng maliit na pilapil ang gilid ng bawat kama upang maiwasan ang pagkaanod ng mga binhi kapag umuulan lalo na kung kasasabog pa lamang ang binhi.Lagyan ng organikong pataba ang ibabaw ng kamang punlaan. Ihalo at patagin upang maging buhaghag ang lupa. Sa ganitong paraan, mas madaling bunutin ang mga punla at hindi madaling maputol ang mga ugat nito.Huwag ihalo ang organikong pataba o “compost” na hindi gaanong nabulok. Mas mataas ang temperatura ng patabang di gaanong nabulok at maaaring patayin nito ang halaman. Hindi dapat lumubog sa tubig ang punlaan upang hindi mahaluan ng ibang butil galing sa katabing punlaan at hindi mabulok ang mga ipinunlang butil. Panatilihin ang 2 hanggang 3 sentimetrong tubig upang madaling bunutin ang punla at hindi lumubog ang mga butil. Magsabog ng pataba pagkatapos ng 10 araw subalit iwasang magsabog kung may hamog pa ang mga dahon ng punla upang di masunog ang mga ito.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, sumangguni sa Philippine Rice Research Institute o PhilRice, Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa telepono bilang (044) 456-0285 loc 513 o 212. Maaari ring itext ang inyong mga katanungan sa Farmers’ text center. Itype ang REG/pangalan/edad/home address/email address kung meron at ang katanungan upang makapagregister at isend sa...