Pangulo

Submitted by: Submitted by

Views: 2046

Words: 2675

Pages: 11

Category: Literature

Date Submitted: 02/28/2011 01:25 AM

Report This Essay

Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890 - Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.

Siya ang unang Ilokanong pangulo.

Si Manuel Acuna Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 1948.

Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi...

Related Essays

Bangkang Papel
bata na hanggang ngayon ay sinusuportahan ng pangako sa SONA ng Pangulo noong 2001. Sa lahat ng pangako ng Pangulo, isa na lang ang hindi natutupad. Ito ay ang
Balanced Scorecard Of Maybank
BALANCED SCORECARD OF MAYBANK VISION, MISSION AND STRATEGY The vision and mission of MPI is to achieve a top 10 position as a bank of choice in the upscale
The Comprehensive Agrarian Reform
is a land reform nation. Sa 1972, President Ferdinand Marcos , ipinalabas pangalawang pangulo order pagkatapos ng Martial Law, na nagpapahiwatig na ang Pilipinas ay
Multilingwalismo
Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong Kahingian ng Globalisadong Mundo ni David Michael M. San Juan (lahok na nagwagi ng