High Blood Pressure

Submitted by: Submitted by

Views: 3524

Words: 2357

Pages: 10

Category: People

Date Submitted: 02/18/2011 06:06 PM

Report This Essay

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

A.Panimula

Nakatawag pansin sa mananaliksik itong isang talamak na kundisyon. Ang hypertension, na tinatawag na “silent killer” pagkat maaari itong taglayin ng isang tao sa loob ng maraming taon nang hindi niya ito namamalayan. Ang high blood pressure ay nakadaragdag ng posibilidad na magkaroon ng heart attack, heart failure, stroke o kidney failure.

Halos isa sa bawat tatlong tao ay nagdaranas ng ganitong kundisyon at marahil ito ay may kaugnayan sa kanilang modernong pamumuhay at naka-gawiang pagkain. Ang konsumo ng asin, paninigarilyo, sobra sa timbang, kakulangan ng ehersisyo at pagiging stress ay mga dahilan na maaaring humantong sa pagtaas ng blood pressure.

Isang pagkakataon na magtaglay kayo ng high blood pressure, ito ay karaniwang pang-habangbuhay na. Upang maiwasan ninyo itong mangyari sa inyo ay nararapat na lubos ninyong maunawaan ang ganitong kundisyon at maglaan dito ng angkop na kilos.

Sa pamanahong papel na ito, ibig ng mananaliksik na ibahagi sa mga mambabasa ang bunga ng pagsusuri ukol sa paksang ito. Makatutulong ito upang makapagbigay kaalaman sa mga natuklasan sa isinagawang pag-aaral.

B.Paglalahad ng Suliranin

Ang pakay sa isinagawang pag-aaral ay mailahad sa mga mambabasa ang importansiya ng paksang ito upang maunawaang maigi ang mga kaugnay na usapin ukol sa paksa.

Ang sumusunod na katanungan ay inaasahang matugunan sa pagtatapos ng pag-aaral na ito.

1. Ano ang high blood pressure at ang mga panganib na maaaring idulot nito?

2. Paano malalaman kung saan nagmula ang talamak na kundisyong ito?

3. Bakit nasabing ang high blood pressure ay isang malubhang problema?

4. Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon nito?

5. Paano maiiwasan ang kundisyong ito?

C.Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng Pag-aaral

Ang paksang ito na pinamagatang MGA PANGANIB NA NAIDUDULOT NG HIGH BLOOD PRESSURE (HYPERTENSION) ay...