Submitted by: Submitted by supremma
Views: 2943
Words: 31030
Pages: 125
Category: Literature
Date Submitted: 03/28/2011 01:49 PM
1
MONDOMANILA
Nobela ni Norman Wilwayco
2
Kay Junior, Fred, Romy, Rey at Ben Mga idolo ko mula noon hanggang ngayon.
3 Baguio 1999
Anuman ang sabihin nila, wala akong pakialam. Alam ng Diyos o ng kung sino mang nakatataas sa atin na masyado nang mahaba ang nilakbay ko. Putang ina, kailangan kong magpahinga. Kailangan kong tumigil, humimpil. Ilang buwan na „ko dito sa Baguio. Hindi ko na siguro pagsasawaan ang lugar na „to. Malamig, maraming puno, mura ang mga pagkain. O malamang, paglipas ng ilang buwan pa uli, biglang mangati ang mga talampakan ko at maghanap ng ibang lugar. Doon sa kung saan walang makikialam sa „kin. Doon sa kung saan hindi ako susundan at uusigin ng mga bangungot at ng sarili kong anino. Pero sa ngayon, kuntento ako rito sa buhay ko. May maliit na loteng kinatitirikan ng maliit na bahay, may mga tanim na gulay at marijuana, may buhay, may pera. Itong huli ang pinahahalagahan ko sa lahat. Puta, nabuhay ako ng puro paghihirap ang dinaanan ko. Ni pambili ng bagong brief, pinoproblema ko dati. Natatandaan ko noong elementary pa lang ako, kung wala siguro akong pantalon, nahubo na ang brief ko. Si ermat kasi dati, ni hindi ako maibili ng bago. Ang ginagamit ko noong nasa grade six ako, iyon pa ring brief ko noong grade one. Kaya tuloy sa sobrang lawlaw na‟t wala na talagang garter, kapag tumatakbo ko, lumililis. Nahuhubo ang magkabilang tagiliran. Kaya lang hindi talaga nahuhubo, sumasabit sa pundya ng suot kong pantalon. Ngayon, buwan-buwan bumababa ako ng Maynila para kumuha ng tseke at ideposito sa bangko, sa pangalan ko. Di hamak na masarap ang buhay ko
4 ngayon, minsan sa isang buwan lang ako kung mahirapan, kapag bumababa ako ng Maynila para “sumuweldo”. Kahit papano, nakaka-usad ako. May pangtoma, may pangtira sa mga bebot sa beerhouse, may budget ako para sa mga pangangailangan ko. Mayaman ako at hindi naghihirap. Trip ko lang talaga ang hindi gaanong malaking bahay. Katunayan, itong tinitirhan ko, nang mabili ko ito,...