Submitted by: Submitted by mseinjhel
Views: 5361
Words: 538
Pages: 3
Category: Literature
Date Submitted: 06/22/2010 06:42 AM
Limang Butil ng Rosaryo
● мѕ.еіијнеl ●
Isang tinig na umaalingawngaw ang gumising kay Edwin mula sa malalim na pagkakahimbing. Bitin na naman ang panaginip niya. Malapit na sanang ipakita ng lalaking lagi sa panaginip niya ang mukha nito kung hindi siya nagising.
“Win! Kumain ka nalang riyan ha! Nasa lamesa ang almusal at tanghalian mo,” ani ng kaniyang ina na halos hindi na niya alam ang itsura ng mukha sa dalang nilang magkita at magkasama.
“Hintayin mo nalang ang itay mo, darating raw siya mamayang hapon,” dagdag nito. Ang ama naman niya’y isang delivery truck driver sa Maynila at doon namamalagi. Minsan sa isang linggo lamang ito umuuwi kaya’t hindi din niya gaanong nakakasama ang ama.
Sa edad na walo, natuto na si Edwin na mamuhay mag-isa. Nangungulila man sa pag-aaruga ng mga magulang ay pinilit niyang makatayo gamit ang sarili niyang mga paa. Ang tanging sandigan niya sa mga oras ng kalungkutan ay ang tanging alaalang iniwan ng kaniyang lola, ang kulay berdeng rosaryong gawa sa plastic na binili nila sa palengke nong maliit pa siya. Sabi ng kaniyang lola ay pwede niya itong pagsanggunian sa tuwing nalulungkot o may problema siya, ngunit hindi niya lubusang alam kung para saan ang naturang rosaryo. Ni hindi niya alam kung ano ang gamit ng bawat butil nito.
Gayun pa man, nakaugalian na niyang kausapin ito sa tuwing siya’y nag-iisa. Binabanggit niya rito ang mga hinanakit niya sa kaniyang mga magulang, sa mga kalaro at kaklase. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi ang rosaryo ng kaniyang lola na pinaniniwalaan niyang may taglay na kapangyarihan dahil nakakapagpagaan ito ng kaniyang loob.
Sa pagkainip ay binuksan ni Edwin ang telebisyon sa sala upang malibang. Naghanap siya ng magandang palabas upang panoorin subalit dahil araw ng linggo ay walang magandang programa.
Papatayin na sana niya ang pinapanood ngunit natigilan siya nang marinig niyang sabihin ng lalaki sa palabas.
“Ikaw kapatid na nasa tahanan...